Saturday, April 22, 2006
KWENTONG CHATROOM, ANG DESTINY KO BA AY INDIANS?
Sa loob ng isang taong pagbababad sa virtual environment, maraming kwentong nabuo ---mga kwentong masaya, malungkot, weirdo, maanghang, mga kwento ng buhay at pag-ibig at pagkakaibigan.
Hindi na mabilang ang mga nakachat ko -- karamihan sa kanila ay mga Indians (feeling ko nga, baka naman Indian girl ako nong mga panahong hindi pa ako isinisilang na Filipina). Pero, may Indian bang pango? hehehehe. O baka naman dahil sa Yahoo ID ko na sabi nga ng mga nakachat ko, eh, Indian-sounding daw. Whatever ....
Ang una kong nakatagpo sa chatroom ay isang Indian na may pagka-pervert. Aba, eh ang laging unang tanong eh: "What are you wearing?". Sa loob ng apat na buwan, napagtiyagaan ko siya (novice pa kasi ako noon... akala ko, mahirap maghanap ng kachat na may sense). Sa chatrooms, parang mas marami ang berde ang utak --- flirting ang hanap, minsan cyber sex. Di ko pa feel na maging boldstar, hanggang legs lang ang kayang ipakita natin, (na di alam ni hubby, hehehe). First time na nagselos ang hubby ko over a guy at sa virtual environ pa. Pagseselos na pinagmulan ng away. Maglasing ba naman sa sobrang selos. Ginaya niya yong ginagawa ng mga horny babes sa virtual, as in Hipong Hubad! Aba, pwede nga palang makasira ng buhay ang chatting, di ba Sis G? May mga sumunod pang katulad niya in the sense na medyo may mga "perversion" pero kayang-kaya ko nang i-manage. Ako pah, hmmmm?
Iba naman ang drama ng isang Egyptian chatmate ko. Ok sana profile niya -- future dentist, may magandang upbringing, naghahanap ng girlfriend na Pilipina. Ang gusto ko sa kanya, may respeto siya sa mga babae. Hindi nagchachat ng mga naughty ... hindi feeling horny katulad ng iba. Kaso, gusto laging sasabihan mo ng IluvU babe -- sapilitan, ha. Isa pa, hirap siyang mag-english, di kami magkaintindihan. Simpleng usapan, nauuwi sa awayan dahil yong English niya, iba sa English ko. Gwapo ang Egyptian Habibi kong ito pero minsan man, di tumibok ang puso ko. So, ipinasa ko ang ID niya sa isa kong colleague -- transfer of ownership, kuno. Baka, silang dalawa, magkaintindihan at malay natin, magkatuluyan, balang-araw, o, di mas masaya. Naging matchmaker pa ako pag nagkataon.
Ito namang isa, Supladong Bombay ha. Seryoso sa buhay,lalo na sa pag-ibig. First meeting palang namin sa chatroom, nag-away na kami. Tinanong ko ASL niya, aba'y sagutin ba naman ako ng pilosopong sagot --- is this necessary? No one tells the truth. Sabi ko sa kanya, you better not chat. Hindi lang yon... Pinagdudahan ba naman na ako ang girlfriend niya (engaged siya doon) na ilang buwan nang nagtatago sa kanya. Kung nagtatago, simple lang naman yon --- ibig sabihin, ayaw magpakasal. Napilitan akong magpakita sa kanya para patunayan na hindi ako ang umiiwas niyang gf (sa isang banda, style lang niya siguro 'to). Noong nagpakita siya sa akin sa cam, bah, gwapo ang mokong --- very expressive ang eyes niya, may pagka-naughty. Type ko in a way, hehehe. Naging best friend kami dahil ako ang nagmistulang comfort zone niya sa problema niya sa babaing pakakasalan sana niya. Teacher, adviser, at beloved (daw sabi niya). Ang drama naming dalawa nong mga panahong yon --- galit, bati, galit, bati. Sa ending kami pa rin naman kahit minsan talagang pinagtataguan ko siya. Pero, sa kanya ko lamang inamin yong mga pretenses ko sa chat. Nabigla siya, nagalit at kung masasakal nga lang niya ako, ginawa na niya noong panahon na sinabi ko na ang totoo. Nakonsensiya na ako kasi mabait naman siya at ni minsan ay hindi niya ako binastos. Sa ngayon, bihira na kaming magkita sa net simula nang umuwi na siya sa bansa niya, although he is still sending me offlines na may kakabit na 143 (hehehe) kung hindi kami nagkikita sa net. Ang huling balita niya sa akin, tapos na ang formal engagement niya. Sana nga, maging masaya siya sa buhay may-asawa.
Yong isa naman, ang sarap kachat. Very candid, very honest, matalino, witty, practical, and has a very good sense of humor. Only, he is always horny. Di siya nahihiya sa akin na magpakita kung ano meron siya (above average!!!). Physically, on the virtual, kilala ko na siya. Enjoy talaga ako sa mga panahon na nag-uusap kami. Walang romantic involvement, kahit may mga sexual undertones sa pinag-uusapan. Ang respeto ay hindi nawala kahit sa mga ganoong situations. He has the making of a potential papa. Caring, loving, considerate. Siya yong tipong concerned sa mararamdaman ng partner niya. He gives pleasure in much the same way that he wants it. Maswerte ang magiging wife niya. Sa March, pupunta na siya sa Singapore for a well deserved promotion. Sayang, di na ako puwedeng mag-apply na future ... hehehe, u'know.
Ang pinakahuli kong kachat ay isang puti ... European, may asawa na siya at dalawang maliliit na anak na parehong supercute. Isa siyang interpreter sa mga puting missionaries na nagtratrabaho sa bansa nila. Magaling siyang mag-English though this is not his native tongue. Tinuturuan niya ako ngayon ng mother tongue ng Albania and i would say he is a very good coach (tung, zemer, te dua, si mire, numrat, ganon!). I have been prodding him to finish his studies and become an English teacher. He can do it, I know. When the UN leaves their country, I wish he is well placed na in his job. Sana, matupad ang ambisyon niya sa buhay. Mawawala na siguro ang lungkot sa mga mata niya kapag nangyari ito, and I would really be proud of him.
Pero isang tao ang di ko makakalimutan sa chat. Isa na siya sa mahalagang parte ng buhay ko sa virtual o totoong buhay man. Indian guy din siya na nagsettle na sa Dubai. Married. First time I saw him, iba ang naramdaman ko, as in: siya yong taong matagal ko nang hinahanap sa buhay ko --- someone who gave me the inspiration. Pag magkasama kami sa chatroom, parang walang gustong bumitaw. Sa kanya, naranasan ko ang magchat ng straight for eight hours. Sa apat na buwan naming pagsasama, na halos araw-araw, talagang time stood still. Hindi ko rin makakalimutan ang mga riot at maharot naming usapan. Lagi kaming humahalakhak sa chatroom (LOL, ganun). Nang mawala siya, nahirapan akong mag-adjust. Siguro, kung bibigyan ako ng second chance sa buhay na ito, pipiliin ko na makasama siya --- and i would really cross the barriers to get closer to him. Pero, wishful thinking ito. Imposibleng mangyari.
Marami pang dumating sa buhay-chat ko, global village na nga yong listahan ko sa YM .... may hitsura, walang hitsura, matalino, bobo, merong may sense of humor, merong super dry naman --- yong tipong habang tumitipa ang daliri mo sa keyboard, feel mo nang matulog. Merong ang gusto lang sa cam ay ipakita ang kanilang asset at liability, sizes and all. Merong sira ang ulo, meron ding malapit pa lang masira. Daming mukha. Iba-iba. Marami din akong natutunan sa kanila. So, kahit magastos ang bisyong chatting, may kakaibang sayang dulot --- isang bagay na hindi kayang bayaran.
Ang chatting ba ay pastime na ng mga pinoy o pinay na bored --- bored sa buhay, bored sa bahay, bored sa trabaho? Sa mga singles, mistulang isang opportunity na magbubukas sa kinaroroonan ng potential papa o mama, yong tipong taga-ahon sa kahirapan. Hay ......

Monday, January 30, 2006
KWENTONG CHA-CHA
Heto na naman ang Pinas …. Pinag-iisipan ang bagong sistema ng gobyerno ---Presidential to Parliamentary. Unicameral from bicameral. Autonomous regions hanggang maging complete federalism. Ang Presidente, mananatili from 2007 to 2010 pero walang sapat na kapangyarihan katulad ng sistema sa ngayon. Isang Prime Minister na manggagaling sa parliament ang magiging Head of the Government at siyang magiging CEO ng bansa.
Pinagbalakan pa ang NoEl – No Elections daw para maisulong na ang pagbabago, at makapagtipid ang Pilipinas. Sa 2007, dapat idaraos ang elections. Kung natuloy ang No-EL as planned, hanggang 2010, tuluy-tuloy ang swerte ng mga politikong nakaupo ngayon, local man o national. Ang tagal din nilang mamamayagpag sa posisyong hawak. Pero, may kontrabida daw sa Senado… ayaw isulat ang kanilang obituaries. Aber, sino ba naman ang may suicidal tendencies sa mga Senador?
Ang alam ko nagtatag ang pamahalaan ng isang Consultative Commission para pag-aralan ang bagay na ito at magbigay ng rekomendasyon sa Pangulo.
Sa mga pagpupulong ng mga local na pamahalaan na napuntahan ko sa buwang ito, mukhang isusulong nga ang Cha-Cha. Constitutional Amendments nga ba o Constitutional Revisions? Kapag ang istraktura ng pamahalaan ay binago ng mga mambabatas, revisions ba yon o amendments? Sa totoo lang, ngayon pa lang ako nag-uumpisang mag-aral ng tungkol sa Parliamentary System base sa mga rekomendasyon ng Consultative Commission ni GMA. Unang bugso ng opinion ---- ituloy ang eleksyon ayon sa itinakda ng batas pero ang pag-uusap tungkol sa bagong sistema ng gobyerno ay kailangang tuluy-tuloy upang ipaalam sa mamamayan ang pros and cons nito. Marami pang complexities na hindi naiintindihan ng isang Juan dela Cruz.
Sa isang misa sa simbahan, narinig kong sinabi ng pari, ang kailangan ng bansa ay ibang klaseng Cha-cha --- character change. Kahit na magbago ang sistema ng gobyerno, kung ang kaisipan ng mga inihahalal natin ay mananatiling sakim, balewala ang lahat. Korek ka diyan, Father.
“NOT FRAGILE. FEEL FREE TO ROUGH UP”. Sana, may pagkakataon, kahit one second --na magawa ko ang ganito sa mga polieticians ng bansa.

Monday, January 23, 2006
BUHAY PINAS, BUHAY POOR
Kwentong Bus
“Umurong pa kayo sa likod ….. pwede ba, magbigayan naman tayo … talikuran lang at pag nagkaharap kayo eh, baka magkapalitan pa kayo ng mukha … Ano ba naman yan, ke aga, eh pulos isandaan ang pera nyo? Sige, sa Baclaran na lang kayo masusuklian …” Di ko alam kung maiinis o matatawa sa mga litanyang binitiwan ng kondoktura ng bus na sinakyan ko kaninang umaga. Kung ako lang ang masusunod, hindi ako sasakay ng bus pero anong gagawin ko? Wala akong choice kung gusto kong makapasok nang maaga sa opisina. Mamili kaya --- Cubao FX na madalang dumaan o ang ordinaryong bus ng Pascual or Pasvil na halos every 10 minutes ay dumaraan sa kahabaan ng Quirino Avenue?
Sa humigit-kumulang na dalawampung taong pagtratrabaho sa Maynila, hindi ako nakaipon ng pambili ng sasakyan, kahit padyak man lang. Ang sweldo ay sapat lang sa pang-araw-araw na gastos. Kung nagpapadede ka, lalo na! Baka ang baby mo, sanggol pa lang, maisipan nang maghanap-buhay upang makatawid-gatas. Kung ang momsy mo, Section Chief ngang naturingan eh, member na pala ng financially-disabled sector, kabilang sa poverty threshold ng Pinas, grabe na toh!
Mahirap na talaga ang buhay. Nasasalamin na ito sa mga eksena sa bus. Madalas, ang mga bus ng Pascual o Pasvil ay suki ang mga mamang biktima kuno ng mga welga sa kumpanya na kung iisipin ko’y mukhang dekada na yatang welga. Aakyat, may dalang megaphone na luma at isang kahoy na mukhang alkansiya pero mas malaki sa karaniwang alkansiya ---- hindi lang pampamilya, pang-hanapbuhay pa. Sasabihin niya, isa siya sa manggagawang tinanggal ng mga imperialistang nagmamay-ari ng kumpanya blah… blah… blah … at kailangang ipagpatuloy ang laban sa mapanikil na mga namumuhunan. Iisa-isahin niya ang mga pasahero ---- “konting barya lang po …salamat …”
O kaya naman ay isang babae o lalaking maayos ang pananamit (ang iba nga ay nakabarong pa), may dalang bibliya at habang tumatakbo ang bus, babasahan ka ng lalaki ng mga bersikulo sa aklat, habang ang ale ay mamumudmod ng mga puting envelope sa mga nakaupong pasahero. “Pagpalain nawa kayo ng Diyos …. Salamat…”
Meron ring mga batang sa murang edad ay mulat na sa ekonomiya ng buhay, business-minded, ‘ika nga. Aakyat sa bus, magpapaawa sa mga pasahero ----- kesyo, mabuti na lang ang manghingi kaysa magnakaw … o di ba mas sumasaling ang ganitong mga salita sa mga pusong mamon? Nakasunod sa uso ---- dangling earrings na may matching bracelets pa, with reddish lips and eye make-up ….. say mo, Mama Monchang? Maawa ka kaya? Sa halos araw-araw na nakakaengkuwentro ko sila, natuto na rin akong makipagplastikan as in ipipikit ko ang mga mata ko, kunyari’y tulog. Ayaw ko lang maramdaman ang di maipaliwanag na awa at inis, kung kanino, di ako sigurado. Minsan, napipilitan akong mag-usisa --- “Gusto mo, dalhin kita sa DSWD?” Bah, alis siya agad sa tapat ko. Paminsan-minsan, naririnig ko ang konsensiya ko ---- “baka anghel yan, nangpapanggap na taong-lupa at sinusubukan ka. Wag kang tumingin sa panlabas na anyo…”
Marami pa akong gustong isulat, mga kuwento ng buhay, sana, magawa ko ito sa mga susunod na araw. Hanapbuhay muna.